Sinubukan nina Rex Manalang at Reka na hamunin ang buong Mannix Fam sa isang maanghang na Samyang noodles challenge. Nilagyan nila ng extra buldak sauce at wasabi ang bawat serving upang mas lalong mahirapan ang mga kalahok na makatagal ng dalawang minuto para manalo ng cash prize.