This is Gerald Gutierrez YouTube Channel!
Bawat tao'y nababalot ng angking galing at nakamamanghang talento na minsan napakahirap nitong ipakita sa mga tao. Sa tulong ng buhay YouTube. Ito ay isang magandang pagkakataon upang ibahagi't ipakita sa iba ang natatagong kakayahang ibubuga ng ating pagkatao. Bukod dito'y nahuhubog at nasasanay ang ating kakayahang mas pagbutihin pa at tuklasin ang iba pang mga bagay na nais subukan pa.
Ako si Gerald Gutierrez. Ang Makata, Hugutero, Talentadong handang ipakita ang kakayahan ko. Ang aking YouTube Channel ay tungkol sa Tula, Hugot, Kadramahan, Spoken Word Poetry, School Exercises & Assignments, Streams at iba pang uploads na kapupulutan ng aral at talentong maipapakita't maibabahagi ko.
"Huwag kang matakot sa kakayahan, talento, husay at galing mo. Ipakita, ibahagi't ipagmalaki mo ang biyayang ipinagkaloob sayo."